Members Corner > Anghel Sa Katauhan Ng PSSLAI

Anghel sa Katauhan ng PSSLAI

Mula pa noon ay maaasahan na ang Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI) sa napakaraming serbisyo tulad ng pautang, pang-ipon, iTrack, PSSLAI Bilis Online, PSSLAI Bilis Mobile App, PSSLAI Visa Card, at iba pa. Sa marami, ang PSSLAI ay maihahaintulad sa isang anghel na makapagbibigay ng gabay at biyaya mula sa kalangitan.

Ganitong kwento rin ang nais maibahagi ng mag-asawa na sina PSSG Maricar at PSSG Mark Chester Mabale. Sila ay nakatira sa Sibonga, Cebu kasama ang kanilang dalawang anak. Simple lamang ang kanilang pamumuhay. Tulad ng ibang mag-asawa, hiling nilang matustusan ang pangagailangan ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya. Sila ay parehong miyembro ng PSSLAI mula noong 2013 at 2014 at halos isang dekada na magmula nang maipakilala sa kanila ang mga serbisyo at benepisyo nito. Tumagal ang mag-asawa sa PSSLAI dahil sa serbisyo nitong mabilis at walang palya.  

dyna-sec-img

Mula sa pagtitiwala ng mag-asawang Mabale sa PSSLAI, nakapag pundar ang mga ito ng dalawang bahay at lupa para sa kanilang pamilya, isang bahay upang paupahan, at lupang pag-aari sa Brgy. Sabang, Sibonga, Cebu. Gayundin, nakaisalba sila ng PSSLAI noong panahong sunubok ang kanilang katatagan nang malaman na si PSSG Maricar ay mayroong ectopic pregnancy o isang komplikasyon sa pagbubuntis kung saan ang embryo ay kumabit sa labas ng kaniyang bahay-bata. Sobra ang takot ang naramdaman ng mag-asawa dahil kailanman ay hindi nila ito inasahan sa kasagsagan ng pandemya. Wala ring sapat na ipon ang mag-asawa dahil sa katatapos na pagsalanta ng Bagyong Odette sa kanilang lugar. Sa gitna ng agam-agam, naisip nilang padalhan ng mensahe ang isang empleyado ng PSSLAI at tila isang anghel na bumaba sa lupa, natulungan sila nito sa loob ng isang oras, “...nasa kasagsagan ka ng emergency hindi ka talaga makapag-isip nang maayos tapos parang may angel lang dumating sa harapan mo” paglalarawan ni PSSG Maricar.  

Nagsimula man ang buhay ng mag-asawa sa pangungutang sa PSSLAI, hindi nila ito tinatanaw na kahihiyan. Sa halip ay pinatunayan nila na sila ay nagtagumpay. Sila ay nagtiyaga, nagsipag, kasama ang disiplina upang makabayad sila at makita ang katas ng lahat ng kanilang pinaghirapan. Taas noo at buong pusong ipinagmalaki ng mag-asawa ang lahat ng tulong na natanggap mula sa PSSLAI na nagsilbing gabay at biyaya sa kanilang pamilya. At upang makatulong din sa ibang mga kasapi ng PNP, nais nilang imbitahin pa ang marami na maging parte ng PSSLAI para sa maayos at mabilis na proseso ng kanilang mga pangangailangan na mabibigyang serbisyo ng PSSLAI.  

Sa karanasang ito, ang anghel ay mabilis, maasahan, matulungin, at walang palya na nasa katauhan ng PSSLAI. Tulad ng isang anghel, ayon kay PSSG Maricar “Kaagapay ko si PSSLAI sa hirap at sa sarap ng buhay”. Mula rito lubos na tinatanaw na utang na loob ng mag-asawa ang kanilang tagumpay sa pautang na serbisyo ng PSSLAI. Ayon sa kanila, hindi nila maiwasang maipagkumpara ang buhay nila noon at ngayon. Sa huli, buo ang kanilang pasasalamat sa Diyos–na nagbigay ng anghel at lahat ng naniwala sa kanila.