PSSLAI: Kasama mo sa Pag-Angat
Simula pa noong 2003, ang PSSLAI ay kilala sa layunin nitong makapagbigay ng mahusay na serbisyo para sa ikauunlad ng bawat miyembro na kabilang sa organisasyon na ito. Isinasaalang-alang nito hindi lamang ang kasiyahan, ngunit pati na rin ang benepisyong pinansyal ng mga miyembro . Kaya naman tiyak na maaasahan at subok na ang kanilang serbisyo. Patuloy ang pagdami ng miyembro ng PSSLAIl hindi lamang dahil kapuri-puri ang kalidad ng serbisyo nito ngunit pati na rin ang moral at integridad nito sa industriya.
Kabilang sa mga taong natulungan ng PSSLAI dahil sa kanilang serbisyong walang katulad ay si PSSg. Maria Caress Arnejo, 36 na taong gulang, isang Patrol Officer na naka-destino pa sa Hinagdanan Cave, Bingag, Dauis Bohol at kabilang sa Bohol Tourist Police Unit.
Siya ngayon ay 11 taon na sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP) at isa ring natatanging atleta sa kanilang organisasyon sa karate at track and field. Ayon kay Arnejo, natuklasan niya ang PSSLAI dahil kilalang-kilala na ang organisasyon na ito sa PNP. Dagdag pa niya, tanging ang PSSLAI lamang ang nakatutulong sa kanila sa tuwing kailangan nila ng takbuhan, sa pamamagitan ng mga serbisyong hatid nito kagaya na lamang ng membership, loan, at iTrack. Dahil dito ay 11 taon na rin siyang proud PSSLAI member na kilala sa mabilis na pag proseso ng application requests, maraming magandang benepisyo, at may mabubuting tauhan na handang tumulong sa mga kagaya niya. Dagdag pa rito, malaking bagay din na naroon ang PSSLAI noong mga panahon na kailangan niya ng tulong sa pagkuha ng bahay at lupa, kotse, maging sa importanteng pangyayari sa kanyang buhay–para sa kaniyang kasal.
Pars sa kanya, kaibigan na laging handang tumulong ang PSSLAI. Hindi naging madali ang kanyang pamumuhay dahil siya ay lumaking walang amang tumataguyodsa kanilang pamilya. Sa kabila ng pagsisikap na magkaroon ng scholarship sa larangan ng sports, hindi siya napabilang sa Philippine Team. Ngunit nang makapasok sa PNP, ito ang nagbukas ng oportunidad sa kaniya upang maipamalas ang galing sa sports. Siya ay nag uwi ng gintong medalya sa World Police and Fire Games Noong 2022 sa Rotterdam, Netherlands and 2023 sa Winning, Canada. Hindi rin ito naging madali kay Arnejo, dahil mula sa kaniyang sariling bulsa ang kaniyang ginastos upang makarating sa Netherlands at Canada. Ngunit salamat sa tulong pinansyal mula sa PSSLAI at naging daan ito patungo sa kaniyang pangarap. Bitbit ang kaniyang talento at determinasyon, kabilang na rin ang walang katulad na serbisyo ng PSSLAI natupad ang pangarap ni PSSg. Arnejo.
Nirerekomenda ni PSSg. Arnejo sa iba pang kapulisan sa PNP ang PSSLAI upang matulungan sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa panahon ng emergency. Dagdag pa niya, isang biyaya ang PSSLAI sa kaniyang buhay, ito ang nagbigay daan tungo sa kaniyang pangarap, at malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nasa likod nito. Para kay PSSg. Arnejo, “Kaagapay ko si PSSLAI sa aking mga pangarap na makilala sa buong mundo”.