Sa PSSLAI, nauunawaan namin ang kahalagahan ng suporta para sa mga miyembro at kanilang pamilya, lalo na sa mahihirap na panahon. Kaya naman, meron kaming Free Burial Benefit Program. Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng PSSLAI na magbigay ng suporta at tulong sa mga pamilya ng miyembro sa panahon ng kanilang pangangailangan.
Sino ang Puwedeng Mag-Avail?
Para sa mga miyembrong kumuha ng qualified loan product simula Oktubre 19, 2020, ang kanilang mga legal beneficiaries ay maaaring makatanggap ng benepisyo upang matulungan sa oras ng pagdadalamhati.
Updated Burial Benefit (Epektibo Oktubre 1, 2024):
Maaaring makatanggap ng up to ₱60,000.00 na burial benefit ang mga legal beneficiaries depende sanhi ng kamatayan ayon sa itinakdang guidelines ng Asosasyon.
Karagdagang Financial Assistance:
Bukod sa burial benefit, may karagdagang ₱10,000.00 financial assistance para sa mga biglaang gastusin.
Paalala:
Ang Libreng Burial Benefit ay forfeited kung:
Ang miyembro ay walang aktibong loan o nakabayad na sa lahat ng loan sa oras ng kamatayan.
Ang miyembro ay may past-due balances sa kanyang mga existing loans.
**Ang mga requirements para sa death claim submission ay kailangang maisumite sa loob ng isang taon mula sa petsa ng kamatayan ng miyembro. Kung hindi, ang burial benefit at anumang financial assistance ay forfeited.
MEMBER STORIES
MEMBER STORIES
MEMBER STORIES
MEMBER STORIES